Tuesday, October 23, 2007

Hip-Hapan this week!!



Sembreak na naman woohoo!! Ano pa nga ba kung di magcelebrate at makihiphop ngayong linggo sa mga favorite nyong artists!! Syempre kahit tropa nyo ang magpe-perform, suportahan pa rin natin sila at magbayad ng entrance(oops may tinamaan ba?? hehe)... dahil tulong na rin yun sa mga artists at promoter para mabigyan tayo ng hiphapan..At wag kayo mahiya umorder ng drinks, dahil nakakahiya naman kung nakaupo lang tayo at walang order. Pero seriously..eto na ang rundown ng mga Hiphop gigz this week!!

Oct. 23 Tuesday- "TriFecTA" listening party for 2tay, Monique and People's Future. With guests, Pamilia Dimagiba, ILL-J and Marquiss. Solid ang lineup na to! punta na mamya sa FREEDOM BAR (near Kamias QC) 9:00 PM sharp daw!!

Oct.26 Friday- "SO DeeP" video launch of Nimbus9 10pm @ Prince of Jaipur The Fort.
Performers to be announced. Medyo mahal beer dito pero sabihin nyo nalang alalay kayo ng Dj at kayo ang tagakuha ng beer. Ok lang sulit dahil madaming bebot dito at indi espadahan haha.

Oct. 27. Saturday Datu's Tribe Album Launch at Kinkoy's Kamuning...Teka bakit nahaluan ng rakista dito???!! Hehe ok lang yan dahil front act nila ang Pamilia Dimagiba magperform ng mga bagong kanta nila sa album nila. With performances by The Jerks, Spaceflowers atbp !!!

Oct. 27 Saturday Gloc-9 gig at Yes Celebrity kapares. Wala akong alam dito kung san pero check nyo nalang ang multiply ni Gloc-9 hehe

Para naman sa mga maarte at ayaw ng pinoy hiphop marami ding clubs ng hiphapan ang tugtog. Sa Guilly's every thursday ay may hiphapan dyan, tambayan din ng mga rappers at syempre mga belyas sa industriya. Mura lang dito at kayong aford ng O.H (ordinaryong hiphop.) Kung medyo upscale trip nyo sa Embassy naman every wednesdays Hiphop din tugtug pero dami din bading. Sa Jaipur Fridays at Saturdays ok din hip-hapan talaga tugtog mga latest ni Akon. Lastly, check nyo si homeboy Mastershock", every Tuesday & Saturdays ay nasa Barracks Morato sya..ok din dito mura beer, madaming chicks at late ang sara. Ingat lang sa mga balak mag 1,2,3 dahil may Sniper sila sa rooftop.

0 comments: