Tuesday, October 16, 2007

Don G Interview !!!


Dongalo Wreckords, the most established Rap label here in the Philippines. The label that is responsible for most careers of rap artists that we see in the scene today. Now the label is equipped with new talents which are like bombs that in any given time are about to blow up...and one of them is Don G the critically acclaimed Punchline Boy of Dongalo Wreckords. Known for his Hardcore/Explicit lyrics and being a member of one of the hardest Group in Dongalo which goes by the name of Gulpe De Gulat..A 3 Man group which is composed of Black, Pacman and Don G.. Now for the very first time and it is only here in SoulSonic TV that a Dongalo Artist has ever been interviewed...Don G talks about his Mixtape, the latest news in Dongalo, Andrew E. and the real talk bout Gulpe De Gulat.

SOL: Don G Belgica, What's up? So you're coming out with a Mixtape (or two?) What can we expect in terms of Subject Matter and Theme? Somethin for the Streets to Bump?

DON G: Yeah, may Mixtape akong ilalabas "Sa Pagsara ng Pinto" this month at "Plataporma" yung 2nd Mixtape ko, nasa 70% complete na sya. Well, karamihan ng tema ng mga kanta ay base sa mga personal experiences ko noon at ngayon sa Streets at sa Rap Game. Bale meron syang 15 tracks and 3 skits.

SOL: What's your Favourite track out of the Mixtape? What's the song that, when people listen to it, they'll be like "Damn."

DON G: Hmmm....May kumpyansa naman ako sa mga tracks ko doon sa Mixtape. Being a Dongalo MC palang kakaiba na sa pandinig ng ibang tao eh. pero para sakin ang pinaka gusto kong mga tracks dun ay Ang Bagong Siga Dito, Rolemodel, at Tagahanga.

SOL: Alright, Alright, So enough of beating around the bush. People say that you're the next big thing in Pinoy Gangsta rap. Like, the next Genezide or Beware. How does that feel ? Agree or Not ?

DON G: What the Fu*k ?! the next who?!(haha) Syempre nakaka-taba ng puso. But nah, Di ako pwedeng ikumpara sa mga yun. Mga Alamat na ng Larangan natin yun e. Sila ay sila, Ako ay ako. May mga Rebulto na yan sa mga Lansangan ng Pinas eh. Im just the new Bad Guy in Town.(haha)!

SOL: What are/were your influences growing up? Who did Don G listen to and who did he admire?

DON G: Who do i listen to when i was a kid? si Kuya Alex yung taga Benta ng Bato at Damo sa lugar namin at si O.G Dyablo sya nagbabagsak ng Baril sa amin e. I admire them a lot. (hahaha)! nah bro seriously, pinapakinggan ko nun syempre si Pooch, Death Threat, yung dating Gloc-9, Hi-Jakkk, Apocalypse Armada, Anak ni Bakuko, Ghetto Doggs, Oblaxz, IPK, Genezide, BB Clan, Kruzzada, dati taga Cebu ako kaya Anthill Mobb din (MobbStarr) basta lahat ng mga Pinoy MC's na nakakarelate ako sa mga kanta nila. Di ako naging fan masyado ng foreign music eh.

SOL: So why'd you pick Dongalo? Couldn't you have signed to Real Deal or Maddworld? What was special about Dongalo Wreck?

DON G: Oh.. Noon ang pangarap ko lang talaga ay maging myembro ng Ghetto Doggs o ng Death Threat.. masaya na ako dun. eh hindi ko alam kung pano mag submit ng demo sa DT noon eh (hahaha). at tsaka ang gusto din talaga ng mga kasama ko sa Gulpe noon sa Dongalo pumasok.. so nagpasa kami ng demo kay Kuya Drew. Buti nalang tinanggap kami. pero yun yung rason ko noon. Ngayon naintindihan ko na iba pala talaga ang Dongalo Wreck, talagang nagmamahalan at may kapatiran talaga sa Loob ng Kampo na sa tingin ko hindi ko mararansan sa ibang kampo at yun ang nag iinspira sakin araw araw.

SOL: Okay, so it's been said, disputed, argued about and pissed on for a long time now. The single most controversial thing said in recent years about the scene in P.I. "There's no Philippine Hip-Hop, only Philippine Rap." Do you believe in that statement, if so, why ? Give the readers the explanation they've been waiting for from somebody in the Dongalo Camp itself.

DON G: Mahabang kwentuhan yan (haha). Kung ano ang sagot ni Andrew E. sa tanong na yan noon ay ganun din ang isasagot ko. sana lang ay mag respetuhan nalang tayo ng mga opinion...pero ako kasi lumaki ako sa lugar na yung mga tao walang pake o walang alam sa Hip-Hop eh. nung panahon na nagsisimula palang yung mga Gang dito sa pinas at halos pantay pantay pa ang bilang ng iba't ibang mga Gang noon. yeah may mga Gangsters, may mga nakikita kang mga naka Baggy Pants, Jerseys, Bandanas n all that. Pero wala silang alam sa Hip-Hop...Ang Graffiti nila ay Vandal ng mga Gang Tags nila sa mga Eskinita, walang mga DJing dahil yung mga homies pumupunta sa mga clubs not unless magbebenta ng droga (hahaha)! Ako ang alam ko lang talaga ay mag Rap dahil sa mga naririnig kong mga kanta nung mga naunang mga tao sakin. So di ko naramdaman yung Culture talaga. Opinion ko yan Respect It. peace.

SOL: What's Andrew E. like in Real Life?

DON G: Man...pag sinabi "Kuya" hindi lang simpleng term yun. parang kuya talaga sya. di sya nauubusan ng mga payo sa amin. lalo na sa akin dahil ako lagi ang nasasangkot sa mga Gulo eh.. well, ako tsaka si Padrino ng Kruzzada (haha). Si Kuya Drew...kung Mabait kang Kaibigan sa kanya edi mas Mabait syang Kaibigan Sayo, at kung Kaaway mo sya edi mas Totoong Kaaway sya Sayo. Dapat dati may dadamputin na kaming Rapper na taga kabila eh...pero ang umawat pa samin ay si Kuya. ganon sya Kabait. at tsaka Totoong Tao Sya, hindi Plastic...Halimbawa, pag may bagong Nike Cortez ka tapos biglang nakatapak ka ng Tae, Lahat ng mga Homies mo sasabihin na T@n*i#a pre ang tindi ng Sapatos mo Pabinyag naman! si Kuya lang yung magsasalita na "Oi Homeboy ! T@n*i#a ang Baho ng Sapatos mo ! Eto Tsinelas ko...Hiramin mo muna Kapatid."

SOL: Will we ever get another Ghetto Doggs Album ? Was he just teasing us at the end of "Clean" or is there something in the Works ? Will Pooch ever Resurface ?

DON G: Ok let me give y'all an insight about Ghetto Doggs. Ang Ghetto Doggs ay ginagawa lang kapag lahat kami sa Dongalo ay nakakaramdam ng galit. Hindi basta basta maglalabas ng Ghetto Doggs si Pooch kapag hindi authentic yung galit na nararamdaman namin. Kaya pansin mo sa mga GD tracks...Mararamdaman mo talaga yung galit ng mga tao na dinaan sa musika eh. Pero pinapangako namin sa lahat na oras na may lumabas man na GD yun na ang pinaka matinding GD album na maririnig nyo. Sa ngayon.. baka matagalan pa ang Ghetto Doggs lumabas dahil masaya naman kaming lahat eh.

SOL: Okay, so give us the lowdown on some of Dongalo's up and coming talent. Who can we expect from the Dongalo Camp aside from Don G. and what Albums are in the works ?

DON G: Ang Dongalo kasi ang melting pot ng ibat ibang stilo ng rap eh. iba't ibang klase ng tao na may iba't ibang estado, ugali, paniniwala, atbp. pero nagkakaisa parin kami. pag nagsama sama kami parang isang malaking pamilya talaga. Sa nakikita ko ngayon si Khen Magat ang lumalakas sa mga tao. Maglalabas din sya ng Mixtape next month "The Filipino Freestylist" ang tindi ng determinsayon at sipag nitong batang ito. Ang Phat Nasty Crew nilalakad yung deal nila with Viva, May mixtape din ang Thug Rhyme Soon na ino-organize ko called Muntinlupa Style Volume 5 "Ika-Limang Hakbang". Pati yung mga taga Bulacan kumikilos din sila...May ilalabas na Underground Album called "3rd Round" ang "Rabies Agenda" na pinangungunahan ni Yan-E at Dos Bulakenyos. Si DsS din madalas kong kasama sa studio ngayon gumagawa ng Mixtape nya, sya ang nagiisang English Mc ng Dongalo ngayon galing Switzerland. What up BLOOD ! Maglalabas din ng bagong album ang Salbakuta Soon! Abangan nyo yun...May music video din silang ginagawa ngayon para sa for "FFC-Filipino Fighting Championship" produced by Jaw Tee. Yung Pentagon Album #1 patapos narin, andun ako, Kruzzada, Gagong Rapper, Khen Magat, at si Jaw Tee. may Dongalo Tv din kaming ginagawa ngayon parang yung sa BET Rap City at ako at si Boowang Alamat ang maghohost. Then baka isabay ko na yung 2nd Mixtape ko sa T.B.S. Project ng Kruzzada at Kurubat Klan. at oo nga pala, yung Clothing Line ko "GuGu" ay malapit ko narin ilabas.

SOL: Are the rumours true that you've left Gulpe de Gulat? Is there a Gulpe Mixtape or album in the works? Where's Pacman? Put an end to all the rumours.

DON G: Yes. Hindi na talaga kami nagkasundo sa mga gusto naming gawin sa rap careers namin. Pero salamat narin sa kanila dahil kung di dahil sa kanila hindi ako gaganahan magsipag para sa sarili ko, para kay kuya Drew at sa Dongalo. Gulpe mixtape? i dont know...meron siguro pero hindi na ako kasama doon. Asan si Pacman? Aba Malay. Dongalo parin naman sila e so GuGuGuGu-dluck sa kanila.

SOL: Are you ever planning to reach mainstream success like Andrew E, Francis M, or Dice & K9? We've seen Gangsta Albums go Gold and Platinum before (Death Threat "Wanted," Kruzzada's "Pookeenanginang Bitch"), are you gonna try to top those before you? Or are you keeping it Strictly Underground for the Streets.

DON G: Kung may pagkakataon edi bakit hindi? pero syempre dapat di ko parin kalimutan kung para saan or para kanino ko ginagawa yung music ko.

SOL: What's your inspiration to keep rapping? Some people rap for food, but if you're already set for life, why do you still rap?

DON G: Matagal ko nang pangarap ito eh. Bata palang ako Nililip-Synch ko na mga kanta nila Beware, Genezide, Pooch, at ng lahat ng mga inspiration ko noon. Di ko inaakalang makakasama ko narin yung mga taong tinitingala ko. and masaya naman ako sa mga ginagawa ko ngayon sa Rap game, sa Dongalo. kasi kahit papano ay natutulungan ko yung ibang mga label mates ko na kulang pa sa tulak para gawin kung ano ang dapat nilang gawin kahit sa maliit na paraan lang.

SOL: Who are your Favourites in the Game right now ? Locally and Internationally.

DON G: Oh man ang dami...Internationally...hmmm...I'd say Papoose, Lupe Fiasco, Lloyd Banks (laging kong pinapabayo sa kotse ko ngayon), The Game, Jadakiss, Fabo, Termanology, Dr Dre, Mobb Deep, B.I.G...Dito sa Pinas...Pooch, Andrew E, Hi-Jakkk, God's Will, PHD, DaMob ng PNC, Kruzzada, Khen Magat, Mike Swift, at syempre kahit papano Gulpe. yung bagong DT album inaabangan ko din.

SOL: What is your advice for anyone wanting to break out of the crime life and into the rap game? Is there even a line between the two? Why do you think there are so many gangsta rappers but only a few that have gained any type of recognition?

DON G: Basta ang alam ko tungkol sa buhay ko at buhay ng mga tao sa paligid ko lang yung mga kadalasang maririnig nyo sa mga kanta ko. At wag pagkukumpera sa totoong Crime Life ang Rap Game, Coz if youre doing good and earning Shitloads of Money dahil sa illegal edi bakit ka pa papasok sa Rap Game ? Theres a difference between Gangsta Rappers and them Typical MC's, kasi kahit sino pwedeng maging MC. pero hindi lahat pwede maging Gangsta MC na Authentic. Ang daming MC's ngayon na Matitigas lang sa mga Studios pero sa totoong buhay Bahag naman ang mga Buntot. Well yun siguro yung isang rason kung bakit konti lang talaga ang mga umuusad samin eh. Advice ko lang, kung hindi ka talaga matigas edi Wag ka na Kumanta tungkol sa mga Barilan o Drugs kasi baka ikapapahamak mo lang yan. Matuto kang Lumugar at Kumanta ka nalang tungkol sa Pagka-Pilipino mo, Love Songs, o gumawa ka ng Club Tracks. yan pwede ka dyan. pero dito wag ka na pumwesto baka gawing Promotion ka lang ng mga Tao dito pag Tinira Ka.

SOL: What do you think is so Attractive about Gangsta Rap? What about its Mechanics make it so compelling to listen to?

DON G: Its the BadBoy Street Music bro...Nowadays, everyone wants to be One Bad Motherfucker sa Hood. and Whats One Bad Motherfucker without his Own Theme Song?

SOL: So you've lived in that life. What do you say to those who say that Gangsta Rap, say, your "Ang Mga Katropa Ko," Glorifies that Lifestyle? Would you advise people to stay away from that Lifestyle or Embrace it? To all the Hip-Hop Heads in the Hood, What's your Message?

DON G: This is Life Aint Nothing Glorious bout getting Locked Up, Selling Drugs or Guns, Stabbing or Shooting People para may Pambayad ka sa Meralco o sa Manila Water. may mga Homeboys ako ngayon na ganun ang dinadanas nila, and they Aint Smiling. so yeah Stay Away Kids.

SOL: You are now considered the Noisiest and the Baddest Dongalo Soldier...And I think you are the Most Hard Working Member and the One who's Responsible on Putting up New Schemes & Gimmicks in your Camp...Is there a Possibility that Dongalo's Gonna Open Up It's Doors now to Other Camps.. In terms of Collaboration.. Events Etc. ?

DON G: Open up its Doors huh? (hehehe) well, Basta Cool naman yung mga tao sa label namin at kay Kuya Drew edi bakit hindi ? Sa ngayon nakakasama namin and were cool with Death Threat, B-Roc at ang Turbulence Prod, Ampon, Hi-Jakkk, sina MasterShock at Layzie Fu ng Kosa Entertainment, at madami pang iba. So yeah malay nyo makarinig kayo ng mga collabs soon na hindi nyo Ini-Expect na mangyari. its the New DONGALO bro., Anything can happen.

SOL: Any Last Words for the Listeners or Heads out there..

DON G: Sa Pagsara ng Pinto Mixtape and Plataporma Mixtape Coming Out Soon! and for more info register and login @
http://www.dongalodungeon.proboards100.com
http://dongalowreckords.com.p11.hostingprod.com

SOL: Thanks for your time..

DON G: Salamat din and More Power sa Inyo. Peace ! Dongalo!


Interview Done By: SOL

0 comments: