Yes. Kung nakikita nyo yung date sa upper left, it says "June 1999". "10 years" na po kami sa Lokal Hip-Hop scene. We started as a "Pass it around" newsletter back then dahil na rin sa kakulangan ng infos about our local scene. Madami natuwa, at madami ring naasar, pero dahil love natin eksena natin, tinuloy pa rin namin ang newsletter nato. Sikat na sikat ang The Roots at si Nas nung time nato. Sikat din ang Vibestation nung time nayun sa mga nilabas nilang albums. Dito namin unang nilabas ang segment naming "Sonic Kicks" at syempre, ang mabentang "Denggoy's Paradise"...
Sumunod naman ang 2nd issue nung "Sept. 1999". Dito patok na patok ang "Props vs. Drops" at ang pag feature namin sa mga Hiphop events. May interview din ang Bomb Azz Productions, kung saan unang narining sina Kristyles, JOLO,RapSkallion at iba pa.
3rd issue: "Dec. 1999". Dito nagsimula yung "ghetto trademark" namin na artwork cover courtesy of Dj Decypher. Pati yung logo nag-iba narin,na gawa pa ni RGA (of Fung Zhoi rap group). Urban Flow ang featured artist that time, na ginagawa pa nila yung 3rd album nila.
"April 2000" na lumabas ang issue 4...Highlights dito yung mga articles ni Dj Arbie,Decypher at ang mga graf flicks noon.
Big issue ang number 5 na lumabas noong "June 2000". Cover ang Mastaplann at may interview din dahil launching ito ng 3rd album nila, and matagal silang nawala.. Masaya din dahil ginanap yung 1st year anniversary namin sa "Ora Cafe" na dinaluhan ng MastaPlann at iba pang Hip-Hop personalities. Dito rin kami unang nakakuha ng mga ibat-ibang reaksyon dahil sa "honest" album reviews namin. Tandang tanda pa namin ng lapitan ng isang kilalang rapper yung music editor namin sa isang hiphop show dahil hindi nya raw nagustuhan ang review ng album nya.
Ang aming 6th and last issue ay lumabas noong "September 2000". Pamilia D ang cover noon at kalalabas pa lang ng "DraManila e.p." nila. Meron ding interviews kina LowKey atbp. Sikat na sikat ang Recognize allstars nung time nato,at around this time nagismula na rin ang "new chapter" sa lokal philippine hiphop.
Sana patuloy nating suportahan ang ating eksena. Minsan nakakalungkot na kulang na nga tayo sa exposure ay tayo pa ang nag hihilahan pababa. Pero di namin style ang ganyang drama dito sa Soulsonic, kaya at the end of the day, bahala pa rin kayo sa mga buhay nyo. Pero tandaan lang natin, na sa atin to lahat.Ikalat nyo ang mga mixtapes natin. Puntahan natin yung mga rap and hiphop events.Kung may entrance, e pag ipunan nyo! Ipagdiwang natin lahat ng good vibes sa eksena natin. Much props to Drive-by Show of Andrew E,Word Up of Francis M, Blow up the Spot, Mars, DMC, MegaMall, Winners-Malate, at lahat ng mga classic spots at happenings!
Saturday, January 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
sana hindi mawala to!
tama ang sinabi mo.. dapat suporta lang talaga.
keep up the good work!
Post a Comment