Friday, November 16, 2007

Born Agen Lover presents: Pinoy Rap Ballads

Wazap mga lover's! Alam ko malayo pa valentine pero malapit na mag X-mas so pangunahan ko na kayo ng bagong segment dito sa SoulsonicTV na pinamagatang "Pinoy Rap Ballads". Showcase ko dito ang mga paborito kong Rap ballads na gustong gusto kong pakinggan lalo na ngayon malamig ang panahon, na sana ay magustuhan nyo rin. Ngayon ay medyo focus tayo sa mga ni-revive na opm songs na ginawang rap Ballad.

Ang una ay "Mahal na Mahal" galing sa album na "Open Mic" na ni-rap ng grupong Apokalipsis featuring Mikerapphone at Day 1. Ayos ang flow nila dito at binigyan buhay nila ang classic na ito from Dingdong Avanzado. Kung si Dingdong ay nakakuha ng Jessa Zaragoza malamang pag- ni-rap nyo to sa crush nyo baka maka-Dingdong din kyo.Active pa rin Apokalipsis at gumagawa pa rin sila ng mga bagong kanta.Madalas ko sila makita sa mga Hip-Hop clubs kasama ang mga chickas.

Pangalawa is a classic cut from Brownstyle, na dating myembro ng mga original rap balladeers na "Urban Flow". Favorite ko din tong "Hindi Ko kaya (originally by Richard Reynoso)" dahil kinakanta ko lagi to sa videoke pag kainuman ko yung mga classmate kong bisaya. Ok din lyrics ni Wilzone of Brownstyle malamig sa tenga parang nasa loob sya ng Refrigerator nag record. Ang utol nyang si Lemz G naman ay mahusay ang pag rap dahil ok sabayan. Sayang lang at di nabigyan ng break ang album ng Brownstyle dahil andaming classic na Rap Ballads dito na maari nyong magamit sa pambobola ng chicks.

Last for this issue is "Baliw" from sexy hot rapper "Chill". Galing to sa album na "Egomaniacal" na 2nd album nya. Ok beat niya pwede ng pang club kasama ang yong belyas o kahit sa crib lang chilling with the posse.

Matagal nag out of print itong mga album nato so eto, pwede nyong download at parinig sa ating mga belyas. Basta always remember, Born Agen Lover, your good service provider. (Thanks Born Agen Lover for the tracks and your write-up)--The Editor

0 comments: