Thursday, July 19, 2007

"Whatever Happened to...": H-BOM

Taong '96 nang lumabas ang album ni H-Bom. Akala ko nung unang kita ko medyo Gangsta ang tugtugan ala Death Threat kasi Hardcore ang suot nila at may baril pa sa cover. Laking gulat ko na lang ng marinig ko sa radyo na "This is the 1st single from H-Bom, entitled "Misteryoza.." Di pa sila gangstahan kundi mala- Urban Flow din pala bagsakan.. Pumatok din ang first album ng H-bom at kasabayan ng Urban Flow at SVC, sila ang mga nanguna sa eksena nung '96 to 99. Naka apat na album din sya sa at tuluyan na din nag migrate sa U.S around 2000. So ang tanong...ASAN na ba si Sketch aka H-Bom ??? Well sa tulong ng internet eto at nakita namin siya sa Youtube na nag ra-Rap pa rin..yun nga lang mga covers na lang ni Usher at Montell Jordan ang binabanatan !! Check out H-bom one more time !!- Bruno Frankelli





1 comments:

young tikal said...

h-bomb ang vanilla ice ng pinas!! hahaha