Thursday, December 13, 2007

The Best Ever Collabos in Pinoy Hip-Hop

Usong-uso ngayon ang mga guesting sa mga kanta. Andyan si Kanye na guest nya si T-pain, si JT at 50 cent, pati na rin Common at Lily Allen. Pero ang na-mimiss namin dito sa Soulsonic ay yung mga collabo ng ibat-ibang artist, na minsan ay classic ang kinalabasan (Mastaplann, Death Threat "Kickin Lyrics") at minsan naman ay sablay ( Gloc-9 at Kiko Machine "Torpedo"). Eto at ki-nompile namen ang para samen ay classic collabos sa pinoy hip-hop, unang-una ay:

*Chill and SVC


-Bagay ang chemistry nila, isang Hip-Hop group meets Hip-Hop Diva. Taken from the 2nd album album, nagkaroon din to ng konting airplay, honestly mas maganda pa cya sa mga foreign rap songs na lumabas kasabay nya. Pero dahil haters ng Opm hiphop ang mga radio stations sa pinas, di masyado nabigyan ng exposure ang collabong ito. but nevertheless, certified hip-hop classic to.













*Mastaplann with South Border "Way of the Plann"


-Marami ang nagulat ng lumabas ang track nato from the 2nd album of Mastaplann. Kumbaga "instant classic" kung tawagin.Di pa kilala ang South Border so masasabi nating malaking break din ang binigay ng MP sa South Border ng time na yun. Kabit na kabit ang falsetto ni Brix Ferraris sa mga ganja verses ni Type and Tracer. even up to now favorite pa rin cya sa parties.











*Proof Positive, DownEarf, Ill-J of SVC, Youngalaxy of PD, Pyro of 7Shots, Dash "Magnificent 7"



-Kung may dream team sa hip-hop nung late 90's ay eto na yun. Classic lahat ang verses ng mga MC's nato, na handpicked ni Dj Arbie Won para maging ultimate posse track sa Recognize album. Kung ang iba ay favorite ang "Loob at Labas" (isa pang posse track from the same album), ako naman ay ito na yun. Lahat ng MC's na kabilang dito ay maituturing na on top of their game, at good chemistry ang nangyari ng pinagsamasama ni Dj Arbie Won ang different Mc's from different camps.



Denmark,Francis M.,Michael V. "Baknthaday"
-Sayang nga lang wala dito si Andrew E., naging supa classic sana tong track na to. This track was taken from the comeback album ni Denmark released a few years back. Kabit na kabit ang beat ni Lowkey sa ol'skool verses ni Denmark and company.Sana ay maulit uli yung ganito, pero kasama na si Andrew E.

Other notable collabos worth mentioning are :
"Kaligtasan" Francis M & Andrew E.
"It's on" Mista Blaze,Gloc9,Slick n Sly kane,Gobas
"Kickin Lyrics" Death Threat, MaddPoets,Chinese Mafia,Oblaxz,IPK.
"Mary jane" Death Threat featuring Janno Gibbs
"Lyrical" Genezide feat. Ali

Sa mga pumalpak naman na collabos andyan ang kanta ng Legit Misfitz at the Dawn sa 1st album nila, na halatang sumakay lang sa kasikatan nun ng Judgment Night album. Pati rin ang D-Coy-Slapshock collabo sa Plastic age album , di rin maganda ang chemistry dahil halatang pilit yung song. Ang kantang "Slam dance" ng El Latino with John Ordonio and Johnny Krush di rin bumagay dahil parang commercial ng zesto ang dating.Pati yung "Bounce to my boogie" ni Mo'Twister and KC montero, katawatawa rin lumabas, pero di natin alam baka talagang sinadya nila na nursery rhmyes ang bagsakan nila.

DREAM COLLLABOS:In the future,we would like to see some more interesting collabos..How about D-Coy featuring Jay-r, or maybe another song from the super group of Mista Blaze, Gloc9, Gobas at Slick n Sly Kane. Bagsik di ba? Til my next segment, stay tuned for more commentaries on pinoy hiphop. DOnt 4get to leave comments and requests. Peace!

2 comments:

Anonymous said...

All that time it was South Border on that track? I never knew that! One of my fav MastaPlann tracks of all time...

zakmal said...

big shoutout s mga pioneers ng Pinoy HIPHOP.. at s mga disipolo nito mabuhay kau! sna walang samaan ng loob... bati-bati na kau! wala ng tirahan... sabi nga ni DJ Arbie.. Mas makamandag like poison Ivy... gnito sna kabagsik at solido ang pinoy hiphop! we salute u! peace...



zakmal of Ilocano Pride