Wednesday, February 20, 2008

Khen Magat Interview

Khen Magat of Serpientes is arguably the most prolific rapper in the local freestyling circuit. Not only can he deliver rhymes right off the dome, he does it incredibly fast... without getting tonguetied! Winning Andrew E's "Philippine Rap Olympics 2003" with his group Serpientes, Khen has found himself on the roster of the Philippines' largest and longest-established record distribution, "Dongalo Wreckords." Earlier last year, he was featured on Andrew E's "Clean" album. Now, four years after being discovered, Khen releases his first solo work, an E.P./Mixtape aptly titled "The Filipino Freestyler". Very humble and down to earth, and only at 19, the M.C. takes some time off to sit down with us and chat a bit. With a flow reminiscient of Gloc-9 in his prime and as catchy as Andrew E. in the golden age, the only question is if you can keep up.

SOL: So nandito kami ngayon with the "Filipino Freestyler" Khen Magat. What's good, fam? Musta ka diyan. Salamat sa oras.

Khen: Ayos lang bro.

SOL: Ayt, so eto na. First question. Paano ka napalapit sa Dongalo Wreckords? Bakit yun ang pinili mong label na lapitan?

Khen: Una sa lahat napapabilang ako sa grupo ng Serpientes kasama si Jaman at G'neam-C.Sumali po kame ng Philippine Rap Olympics 2003 at pinalad na manalo. Talagang pangarap na namin maging Dongalo artist simula palang nung binuo yung grupo namin.

SOL: Ambilis mong magflow man. Anong techniques para dun? Andaming nagsusubok since pinauso ang stilo ni Gloc-9 pero konte lang ang nakakapull off. Does it come naturally or prinaktis mo bago mo naperfect?

Khen: Lahat po ng tao nagsisimula sa wala. Nagkataon lang po na nakahiligan ko na talaga magrap and it doesn't come naturally. Practice makes perfect. Lahat naman ng bagay nadadaan sa tiyaga at sipag.

SOL: Ah ok. So, may mixtape kang nilabas. "The Filipino Freestylist." Anong maeexpect namin dun? Anong klaseng mga tracks? Hardcore ish? Love songs? Lyrical tracks?

Khen: Yung mixtape ko po merong 10tracks tapos may iba't-iba akong tema ng mga kanta mula sa "Kung Wala Lang Tayong Anak" na medyo personal hanggang "Pagbulusok" kasama si Cruzzito Uno ng Kruzzada. Meron pa po akong mga kanta na kasama ang ibang artist ng Dongalo tulad ng Phatnasty Crew, Jolly Brilliante, June Jhunkie of Razzamanaz, Don G. Belgica, si Santo ng Delubyo ng Pasay at Asero ng Kurubat Clan

SOL: Ah, narinig ko na nga yung kantang "Kung Wala Lang Tayong Anak." Maganda yung kanta. Anong inspirasyon para doon? Tungkol ba sayo? Sayong mga magulang? It does seem like a really personal track.

Khen: Ito po ang pinaka paborito kong kanta sa mixtape ko. Ito po ay tungkol sa aking mga magulang at alam ko pong makaka-relate ang mga tao sa kanta na'to.

SOL: Medyo lumalaganap na ang rep mo sa local rap scene. Nakita na rin namin ang ibang mga freestyle sessions mo. Paano ka nakakaisip on the spot ng masasabe na napakabilis? Kasi, to be honest, ikaw lang ang nakita ko na nakakapagfreestyle na ganun ka bilis. May pre-writtens ka ba o talagang lahat on the spot?

Khen: Marami pong salamat sa complement! Mas una po kase akong natutong magfreestyle kaysa magsulat ng kanta at nakahiligan ko po talaga ang mabilis na flow kaya po siguro ganon.

SOL: Anong mga advice mo sa mga newbie freestylers? Ung tipong gustong magbattle.

Khen: Just put your heart in to it at magpraktis lang ng magpraktis. Tulad ng lumang kasabihan pag may tiyaga may nilaga.

SOL: Wise words man. So sino ang mga influences ni Khen Magat? Growing up with the rap scene, sino ang mga artists na pinapakinggan mo from the local and international scene?

Khen:
Ah marami po. Sa local scene si Kuya Andrew E., Pooch, GhettoDoggs, Salbakutah, Kruzzada, Don G. Belgica, Jawtee, Damuho Squad, EHP, Romy Diaz Crew, Thug Rhyme at lahat ng Dongalo Artist. Sa international scene naman si 2pac, Eminem, Jay-Z, Busta Rhymes, Canibus, B-real, Iron Solomon, Biggy, Bone Thugs and Twista.

SOL:
Nice picks. Malupet yung si Iron Solomon. Bihirang may makatalo dun sa freestyle battle. Hmm.. Kung makakapagcollab ka with ANY rapper sa Pinas o kaya Internationally, sino ang pipiliin mo?

Khen: Natupad na po ang isa kong pangarap na makasama sa kanta ang King Of Rap na si Kuya Andrew E. At sana makasama ko din po si Pooch ng GhettoDoggs. Ahhmmm ahhmm international artist? Bone Thugs and Twista.

SOL: Ah, word word. So what's next for Khen? May studio album ba na lalabas? Are you going solo from your group Serpientes or are you guys still together?

Khen:
Hindi na po kami maghihiwalay ng grupong Serpientes. As of now I'm doing my own thing. My mixtape is out ngayon. Ginagawa namin ang Delubyo ng Pasay mixtape kasama ko dito ang mga local MCs ng Pasay.

SOL: Whats in store from Dongalo sa 2008? Anong mga malupet na projects ang in the works?

Khen: Marami po. Sa mga albums - yung Pentagon Album, .Andrew E. Classics (Remixx) at yung Dongalo Rap Awards Compilation. Sa mga mixtapes naman yung kay Oman B. of EHP "Walang Panget sa Mixtape," yung kay Don G "Sa Pagsara ng Pinto" at yung "Plataporma" mixtapes, sa Kruzzada yung "Kame Ang Kalye", ThugRhyme "Higanteng Munti", Romy Diaz Krew "Pwede Kaya Sa Radyo?," Madkilla of Salbakuta "Reggaton Man", Salbakuta "Wans Agen", Andrew E. "ReMixxMySh*t Vol.1," Vigilantes "Pinaka-Hate", at yung Dos Bulakenyos "Astig Pero Duwag Vol. 1".

Ngayon labas na po ang mga mixtapes na Damuho Squad "Simpleng Manyak", Jaw-Tee "Pussy", FuzBuzLow "Hawaiian Bebot", Khen Magat "Serpientes", A-Syan "HipHop Ang Hilig Ko", Andrew E. "Banyo Queen LIVE World Tour", Andrew E. "X-Mas Mixx-Tape", RP. Niggaz "Para Sa Lahat", Rabis Agenda "Batang Freestyle".

SOL: Dami ah. Parang uulan ng rap albums haha. Salamat ulet Khen! The Filipino Freestylist mixtape out now. Get a copy para malaman niyo what all the hype is about. O kaya type in Khenmagat sa Youtube to check out this freestyler in action. Any last words or shout outs?

Khen: Payo ko lang po sa mga nakikinig ng mga kanta ko at sa mga nangangarap na maging rap artist lalo na ang mga kabataan: Huwag niyo lang pababayaan ang pag aaral niyo kase ito lang ang kayamanan na hindi kayang nakawin sainyo. Kase katulad ko kahit nagrarap ako nag aaral at nagtatrabaho po ako. Kase sa eskwelahan niyo lang matutupad ang mga pangarap niyo... at huwag na huwag kayong makakalimot sa itaas.
Maraming maraming salamat po kay Kuya Drew, at kay Ate Mylene sa pagtitiwala po s'akin. Sa lahat ng mga artist at bumubuo at sumusuporta sa Dongalo Wreckords Worldwide at sa bumubuo ng Soulsonic. Much love and much respect...Khen Magat of Serpientes.

Note: His Mixtape is now available you can place your orders at Dongalo Wreckords website...

Here is a Video of his performance from Dongalo Rap Awards

0 comments: